Skinpress Rss

Wednesday, December 16, 2015

It all started with a MYTH

0


It all started with a MYTH.

Hindi po yan title ng pelikula na kasali sa parating na Metro Manila Film Festival o teleserye sa telebisyon ngunit mala-pelikula ang mainit na eksena na sumunod.

Imagine na lang natin na nasa isang kwarto lang ang away-bata este usapan. Kinuha ko lang yung mga litanya nila na pinagmulan ng maiinit na tagpo. Ako na lang yung audience hehe...

RoxasSo myth, kathang isip, imagination lang 'yung payapa ang Davao City. - See more at: GMA network

Audience question bubble: Ano ba ang myth? Shet english di ko gets. (LOL) *Tingin muna sa Merriam Webster

  • Myth - An idea or story that is believed by many people but that is not true. / An unfounded or false notion. / A person or thing having only an imaginary or unverifiable existence.

Davao Police: The DCPO (Davao City Police Office) clarified that out of the 18,119, only 6,548 (36 percent) were attributed to index crimes, or crimes against persons and properties. - See more at: CNN Philippines *Kamot ulo na naman.*

Ano naman ang index crime at non index crime? Definition came from NSCB website.
  • Crimes, Index - crimes which are sufficiently significant and which occur with sufficient regularity to be meaningful.  Included in this category are the following crimes: murder, physical injury, robbery, theft and rape.
  • Crimes, Non-Index - all types of crimes not considered as index crimes. 
Audience question bubble: Ah so 36% ang krimen na malala, yung iba baka yung nahuhuli na naninigarilyo sa maling lugar o jaywalking? Basta hindi patayan, bugbog, nakawan, holdap at rape yung madami?

Duterte: "He said that ito daw peace and order ng Davao City myth. I would like to ask the presidentiable, you claim to have graduated from Wharton School of Economics, that is a myth. You did not graduate sa Wharton School of Economics, Mr. Roxas." - See more at: Philstar

Duterte:"UPenn graduate ka (You are a UPenn graduate), and not Wharton! - See more at Rappler


Roxas: "Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ko hindi ako iilag. Pero kung totoo ang Wharton degree ko, sasampalin kita," - See more at Abs Cbn news

Audience question bubble: *kain ulet ng popcorn* Umiinit na ang eksena ah.... May samplan na magaganap! Exciting! 

Audience question bubble: *Habang naghihintay ng susunod na episode.* Makapaghanap pa nga ng balita tungkol dito. Nakita ko ibaba nung news ng Abs Cbn ang link papunta sa Archive ng UPenn. Aba nandun ang pangalan ni Manuel A. Roxas II na dating representative ng Capiz. Si Mar yan! Eh bakit naman nasabi ni Duterte na hindi totoo? Lagot si Duterte nito, masasampal siya ni Mar! Sampalan galore! Sampalan pa-more!

Sabi naman sa Manila Times: "You see, people who graduate from college with a bachelor’s degree from the University of Pennsylvania – Roxas’ course – would just call themselves U-Penn grads. It is only Roxas who has claimed, as in his official bio-data in the Senate that he is a Wharton graduate, a term used to describe those who finish a masters’ degree in business administration or finance from the Wharton School of Business."

Audience question bubble: Ano kaya talaga? Pwede ba sabihin ni Mar na Wharton Grad siya kasi may bachelors degree sya dun, kahit hindi MBA ang tinapos niya sa UPenn? Masasampal niya kaya talaga ang mainit na mayor ng Davao? Ano kaya ang gagawin ni Duterte kapag sinampal siya?

Hindi pa po tapos ang issue na yan. Eto lang ang huli kong naisip at nais ko iparating sa mga kinauukulan. Wala ako pinapanigan, may oras lang ako mag-isip sa ngayon kasi bumabagyo (sinisi pa si Nona eh). 

To Mar: Sa inyo po nagsimula ang mala-pelikula na bangayan. Mula doon sa pagsabi na kathang-isip na peaceful ang Davao. Siguro reaction nyo yan dun sa survey results na ginawa ng survey site ng Numbeo na ang respondents ay mga tao din, hindi statistics ng DILG o ano pang sangay ng gobyerno. Puro pananaw lang yan ng mga tao na sumagot nung survey, yan ang paniwala nila. Pero dahil Egoistic kayo, gusto nyo po ipaalam sa lahat ng tao lalo na sa mga nagsabi na payapa ang Davao ay MALI SILA at IKAW ANG TAMA. Don't worry karamihan ng lalaki ay egoistic kaya hindi po kayo nag-iisa dyan, kahit si Duterte sa tingin ko egoistic din, kasi lalaki siya eh. Wala po problema na binanggit nyo ang actual at official statistics pero below the belt na sabihin na MYTH. Bakit po? Dahil po hindi nyo rin binanggit bakit ganun kataas ang na-report na krimen sa Davao. Hindi nyo rin po nabanggit na less than half nung numero ay hindi index crime. Hindi nyo rin po naisip na maaring mataas ang numero dahil magaling manghuli ang kapulisan ng Davao ng mga gumagawa ng krimen. hindi rin sumagi sa inyong isip na ang mga kriminal na yan ay maaring napatawan na ng parusa o nakakulong na at hindi na nagkakalat ng lagim sa daan. Naintindihan ko na nagalit ka nung sinabihan ka na hindi ka Wharton graduate. Eto ang pinaka-edukadong sagot na naisip ko na sana sinabi mo kay Duterte, "Papakitaan kita ng pruweba, intay lang. Oh eto ang kopya ng diploma ko. Lahat ng graduate dyan, kahit bachelors degree lang ay pwede sabihin na Wharton graduate. Salamat at nabigyan mo ako ng pagkakataon ipakita ang aking pinag-aralan sa sambayanang Pilipino at napakita ko na sinungaling ka." Oh diba po, mas maayos, walang hamon ng sampalan, plus pogi points pa kay Mr. Palengke. Para po kasi kayong pikon na bata na naghahamon ng away sa labas ng eskwelahan. Ganyan po ba umasta ang mga Wharton graduates? Ang mga tao na sinasabi na edukado sila? Ganyan po ba ang nais maging lider ng bansa? Isang kritisismo lang ay sampal agad ang gagawin sa kritiko? Panahon parin po ba tayo ng kastila kung saan ang mga pilipino ay nasasampal ng mga kastila kapag sila ay nagsalita na taliwas sa paniniwala ng mga kastila? Prove them wrong using your education and everything will fall into their proper places.

To Duterte: Infernez, gusto ko yung napatino mo ang mga tao sa Davao. Gusto ko nga mabisita ang inyong cuidad, kung mura lang ang pamasahe papunta dyan. Minsan talaga ay kailangan na ng kamay na bakal sa pagpapatupad ng batas upang umayos ang isang lugar. Kayo nga diba ang nauna dumating sa Tacloban at ni isang bahid ng politika sa pagtulong nyo ay wala. Ramdam ko na gusto nyo maging maayos ang bansa at halata naman na kakayanin nyo kahit matigas ang ulo ng mga Pinoy. Sana lang inaayos nyo rin kahit paano ang pagsasalita, hindi lang kasi masa ang bumoboto, may mga working class at kaunting elitista din. Kung makuha nyo ang tiwala ng lahat eh sure win na! Finally, our country will have a leader with enough balls to erase all the corruption that is killing our country! Yan eh kung mananalo kayo kaso kapag nainis at nagsawa po kasi ang working class at elitista sa mga nangyayari at pakikipag-away nyo, hindi nila kayo iboboto. Sana ay inimbitahan nyo si ng maayos Mar Roxas na pumasyal sa Davao para ma-experience ang pagiging payapa ng inyong lugar. Sa ganyang pagkakataon, siya pa ang mapapahiya at hindi aabot sa away-bata ang usapan nyo. Lawyer po kayo, alam nyo na kahit isang salita lang ay maari magbago ang kontexto ng inyong pangungusap. Sa susunod po ay isipin nyo ang mga sumusuporta sa inyo, yung mga nagpakalbo, yung mga nagrarally at umiiyak para lang tumakbo kayo sa Mayo. Kawawa naman po ang buong Pilipinas kung hindi maramdaman ang pagbabago na inyong hangad. 

Sa inyong dalawa, BAWAS BAWAS din po ng EGO at PRIDE. Hindi po pataasan ng ihi ang labanan, sa pyesta lang yan ginawa ng mga batang lalaki. Ipakita nyo po parehas na nararapat kayo igalang at maging lider ng ating naghihingalo na bayan. 

Be mature in dealing with all the issues thrown at you. It is not your degree or title that our country needs. It is your Patriotism, that our country is begging for, because if you truly love our country, you will forget your ego and pride. You will set aside part of your life, 6 years to be exact to do everything to help our country survive.

I beg of you. Stop making fools out of yourselves. If you are as great as you pose to be, then show everyone your brilliance during the official campaign period.

Aaminin ko na naniniwala ako na ni-isa sa inyo ay walang makikinig sa sinasabi ng simpleng mamayan na katulad ko, kasi ang mga taong malaki ang ego at pride tulad nyong dalawa ay nakikinig lamang sa sarili nila. So I dare you to prove me or anyone like me (kung meron man), wrong.

Come on, prove us wrong and we'll applaud you for being the great Filipino that you are.

Sabi nga madalas sa tsismis columns.. Bad publicity is still publicity, kaya palakpakan po para sa inyong dalawa. Kasi parang kayo lang tatakbo eh, nakalimutan na yung iba.

Paunawa: Hindi po ako reporter. Sinubukan ko lang po mag-isip at intindihin ang mga nangyayari. Gusto ko na lang matawa sa kanilang dalawa. So grab your popcorns, sit back and let's wait how this will turn out. 

Thanks to FB contacts Cherr and Rommel for the exchange of knowledge we had that inspired me to write this entry.

Ok back to regular programming... Frozen na naman ang palabas sa TV namin, memorize ko na ata ito.

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts