Skinpress Rss

Thursday, October 15, 2015

Ikaw na!

0

Nabasa ko lang itong artikulo ng Rappler na pinamagatang "What's up with the smart shaming?" Kaya naisipan ko lang na sumagot sa tanong...



Ayan ang madalas natin naririnig kapag may magaling o nagmamagaling sa paligid. Bakit nga ba naiisipan banggitin ng mga Pilipino ang mga salita na yan?

Eto lang naisip ko na sagot: 
  • Kasi may mga tao na ayaw na may mas matalino sa kanila, gusto nila sila lang ang tama at magaling, utak talangka ang tawag dyan;

  • Ang iba kasi na mema lang (memasabi lang) pero wala naman laman ang sinasabi, kapag pinakinggan mo nang mabuti ang narinig mo mula sa kanyang bibig ay mapapagtanto mo na wala itong saysay at minsan ay kasinungalingan pa;

  • Kasi hindi kailangan ipagyabang ang pagiging matalino, lalabas ka lang na mayabang. Walang masama na sabihin mo ang alam mo, lalo na kung ito ay tama at totoo, ngunit huwag ipagpilitan sa iba na intindihin nila ang lahat ng sinasabi mo;

  • Upang matapos na ang usapan, lalo na kung nagiging mainit na ang ulo ng isa/ilan sa kasama sa usapan (eto ang dahilan ko hehe). Madalas mo ito maririnig mula sa mga tao na ayaw ng debate at umiiwas sa away.


At higit sa lahat...

Hindi naman kailangan na lagi kang tama, mas importante parin magpakumbaba. 

bow... 

Mommy Azza for president! 

hahahahahaha!

Ano sa tingin nyo?

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts