Skinpress Rss

Friday, December 21, 2012

My BIRTHING STORY

3

Dec 6 Thursday
* Check-up w/ Ob. IE ako ni Ob at sabi nya almost 2cm na at may konting blood na after the IE. Pinayagan nya rin ako umattend ng First Communion ng eldest ko basta daw uwi na ako after ng check-up. 


Dec 7 Friday
9:00 am - First Communion ni kuya Russell, hindi ako masyado tumatayo kapag kailangan during the mass kasi gusto ko tapusin yung event at syempre kakain pa kami ng lunch.

1:00 pm - May bloody show na, pero nawala yung sakit ng singit at likod ko. Feeling ko dahil lang sa IE na ginawa kaya may bloddy show. Ob told me that I should proceed to the pre-labor room of TMC once the contractions are between 5-10 minute interval.

5:00 pm - While on Viber with my friends, I continously monitored the contractions. Hindi masakit, pero tumitigas tyan ko mula sa ibaba ng ribcage papunta sa itaas ng pempem. Every 20 minutes na yung interval ng contractions ko. Quiet pa rin ako kay hubby.

9:00 pm - After dinner sinabi ko na kay hubby, sabi nya kapag 11 or 12 tumitigas pa rin tyan ko punta na kami sa Tmc, sinubukan ko mahiga at magpahinga muna. Kinausap ko na si kuya para ready siya kung hindi na kami makauwi ni daddy.

11:00 pm - 'Di na ako mapakali kaya nagbihis na kami para pumunta sa Tmc. Kumain muna sa McDo para kung sakali hindi gutom si hubby.


Dec 8 Saturday
1:00 am - Dumating kami sa Tmc, diretso kami sa pre-labor room. Puno kaya diniretso na ako sa labor room para i-monitor nila ang contractions at heartbeat ni baby. Every 3-5 minutes na ang interval, moderate to strong na, pero 3cm pa lang ako.

2:00 am - Pina-admit na ako ni Ob. Labor room staff did the preps, enema, kinuhanan ako ng blood through IV (sobra sakit), binigyan din ako Buscopan.

3:00 am - Lumalakas na ang contractions at every 2-4 minutes na. Tolerable pa naman ang pain. Cervix is 3cm dilated, 70% effaced, -2 position ni baby.

4:00 am - Halos every 1 minute na ang contractions. Cervix is 4cm dilated, 70% effaced, -2 position ni baby. Naisip ko baka 10am manganak na ako kasi 1cm every hour ang progress.

6:00 am - Sabi ng resident cervix is still 4cm! Takot ako na hindi na siya bumukas! Sabi ko ready na ako para sa epidural. Alam ko kasi bubutasin na nila water bag ko kapag may epi na ako, nasa usapan kasi namin ni Ob yun.

7:15 am - Dumating na anaes, sakit nung paglagay niya ng needle pero syempre quiet pa rin ako. Nilagyan na rin ako ng Oxytocin through IV.

8:00 am - Cervix is 5cm dilated. Binutas na rin nila water bag ko. Strip na rin nila ako, naramdaman ko parin kahit meron na ako anaes. Papunta na daw si doc.

9:00 am - Dumating na si doc. Cervix is 6cm dilated, 90% effaced, -1 position ni baby. Sabi niya mga 12nn baka manganak na ako. Punta daw muna siya sa clinic.

9:30 am - Namilipit ako sa sakit tuwing may contractions kaya nagpalagay na ako 2nd shot ng anaes.

10:00 am - Sobra sakit ng contractions! Kinausap ko yung anaes staff kung baket parang wala effect, mababa lang daw ang dose na nilagay kasi last time ko daw nawala yung urge ko to push, naisip ko "wow! 8 years ago na yun, nasa record nyo pa!". Kumakapit na ako sa gilid ng bed tuwing may contractions.

IE ako ng resident, sumigaw siya "Fully dilated! Tawagan nyo na si Doc!" IE nya ako tapos pinilit ako mag-push habang hinahalukay nya ang kasuluksulukan ng matres ko. Nagawa nya pa ako tanungin ng "Masakit po ba mam?" sagot ko "Ano sa tingin mo? Halos yakapin ko na nga etong bakal eh."

Dinala na ako sa DR, dun pa lang ako na-shave. Feeling ko ang bagal nilang lahat kumilos, gusto ko na ilabas si baby para matapos na yung sakit. Sa bawat contraction, ngilid na luha ko pero tinitiis ko, naisip ko "Si Bella Swan nga 3 days nagtimpi sa sakit para maging vampire, ako ilan minuto lang, hehehe!" Bandang huli, umiyak na talaga ako, di na nila ako makausap, tinurukan ako ulet ng anaes.

Dumating si doc, tinanong nya bakit daw nakasimangot na ako, lagyan daw ako ng anaes. Hinawakan nya muna ako sa kamay tapos sabi nya kaya ko daw yun, ako daw pinakamagaling umire sa lahat ng patient nya.

Lakas nila bumilang ng "Inhale, hold, push 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10!" Parang bagong taon kung makasigaw sila ng bilang nila, hehehe!

11:00 am - narinig ko na ang nagpupumiglas na hiyaw ni baby Raeka. Puro congratulations lang narinig ko sa kanila. Nilagay nila si baby sa chest ko, sakto dumating na si hubby sa loob ng DR. Picture-picture na siya habang ako groggy sa dami ng anaes sa dugo ko na hindi naman gumana.

Ang haba pala, sorry, sarap mag-kwento kasi :)


Blessed be.


3 comments:

Post a Comment

Popular Posts