Skinpress Rss

Monday, May 3, 2010

Ang lumot

2

To my readers who can only understand English, pardon me for using my native tongue for the past two posts. I have been infected with the 2010 Philippine national election fever (hehe!), that is why I composed the entries in Filipino.

Thank you for visiting!

Sa isang mainit at maliwanang na hapon naisipan ko na linisin at walisin ng walis-tingting ang namumuong lumot sa semento ng garahe. Ayan nagkaroon tuloy ako ng paltos sa palad dahil sa matagal at paggamit ng walis-tingting.


Paano nga ba nabubuo ang lumot?
Ayon sa aking pagmamasid, kapag ang semento ay palagi nababasa at natutuyuan ng tubig ay nagsisimula magkaroon ng lumot. Nakakatulong din sa pagbilis ng pagkakaroon ng lumot ang hindi pagwawalisa sa sementong nabanggit.

Ano ba ang epekto ng lumot?
Nagiging madulas ang semento na iyong tatapakan kung may lumot ito. Hindi rin ito kaaya-aya sa paningin dahil nagmumukhang madungis at madumi ang semento.

Paano ito maiiwasan?
Panatilihing tuyo ang semento. Kung hindi maiiwasan na ang semento ay mabasa lalo na kung ang lugar na nabanggit ay labahan, siguraduhing gumamit ng walis-tingting upang ang tubig ay maitulak papunta sa pinakamalapit na daluyan ng tubig o kanal.

Maari iyong naiisip "Ano ang kabuluhan ng mga binabanggit nito ni Azza?" ay madami po.. hehe..

- Gumamit ng gloves kung ayaw mo magkapaltos sa paggamit ng walis-tingting
- Panatilihin na tuyo ang semento para hindi magkaroon ng lumot
- Ayusin ang mga sirang tubo upang makatipid ng tubig at maiwasan ang patuloy na pagtagas ng tubig sa semento.

Nakalimutan ko pala na dapat hindi ako gumagawa ng gawaing-bahay dahil baka masira ang pinta ng aking daliri. Bihira pa naman ako magpalagay ng nail polish! Mabuti na lang at hindi ito nasira.. hehehe..


Pagkatandaan po natin...

"An ye harm none. Do as ye will"

Maari natin gawin ang kahit na anong bagay, siguraduhin lang na ito ay hindi makakasama at makakasakit ng ating kapwa.

Love, Peace and Respect to all. May this wish of mine bring harm to none. As I have willed it, it is done. So mote it be!

Blessed be.


2 comments:

Post a Comment

Popular Posts