Skinpress Rss

Tuesday, March 16, 2010

Paco Catholic School Batch 2K Awards

1

PCSB2K REUNION TEASER from elohpi media on Vimeo.


Dahil miss na natin ang isa’t isa (ata). Dahil gusto nating makita ang mga kaibigan at nakaaway natin noon. Dahil gusto natin malaman kung pumayat na ba si ano, o tumangkad na ba si ano. Magkakaroon po tayo ng 10th year reunion ngayong MARCH 27, SATURDAY.

At para naman maging mas makabuluhan ito, magkakaroon tayo ng awards night kung saan papangaralan ang iba’t iba nating ka-batch sa iba’t ibang criteria. At siyempre, kasama ka sa pagpili! Nasa kamay mo ang kinabukasan ng mapipili mo kaya paki-fill-out po ang forms sa ibaba, then PLEASE FORWARD THIS MESSAGE WITH YOUR ANSWERS NA SIYEMPRE TO HARRIS GUEVARRA (pa-add na lang pag di niyo pa ka-facebook)

Deadline of submission of entries is on MARCH 20. Ready? Ready!

------------------------------------------------------------------------------

LOVE TEAM OF THE BATCH
Sila yung walang kupas ang pagmamahalan, mula sa panahon ni Bercasio hanggang hukay. Sila yung ewan ko ba kung bakit isang dekada na ang nakakaraan, hindi pa rin mapatid-patid ang pag-iibigan. Pero siyempre mag-ingat tayo sa iboboto natin, baka hindi na pala sila ngayon. Example: Ivy Mendoza and Perry Reyes. Luma na yun, mga pare! Dapat yung evarlasting. Sino ang boto mo?

MY VOTE:


TRANSFORMER AWARD
Huy, nakita mo ba si ano? Grabe iba na itsura niya, dati pangit siya diba? Shet ngayon ang hot! Or pwede rin naman the other way around, ulit... Huy, nakita mo ba si ano? Grabe iba na itsura niya, dati ang hot niya diba? Bakit kaya nagkaganon? It’s your choice, basta sino ba sa tingin mo ang pinakanagbago physically sa ka-batch natin? Siyempre hindi na natin babanggitin sa stage kung in a good or bad way. Basta nagbago. Sino ang boto mo?

MY VOTE:


PAKSHET! SIYA NA NAMAN AWARD
Pagpasok sa eskwela, shet siya na naman! Pag-recess, shet siya na naman! Lunch break, kumain ka na nga ng siomai-kanin sa labas ng paco, nandun na naman siya! Ayaw ka ba talaga niyang tantanan! E ayaw mo na nga siyang makita kahit kelan! Pero siyempre past is past, ngayon pwede na kayong maging magkaibigan. Sorry, alam kong masama tong award na to, pero request ng karamihan e. Sino ba ang pinakakinaaasaran mo noon? Sana naman hindi na ngayon!

MY VOTE:


TEACHER OF THE BATCH AWARD
Idol ko siya! The Best! No need to explain anything, but he/she is the greatest teacher I had in pcs! Sino ang boto mo? Ayon sa organizers, ii-invite daw ang mananalo.

MY VOTE:


MOST HANDSOME BATCHMATE AWARD
Maraming depenisyon ang kaguwapuhan. Para sa mga pangit, wala yan sa pisikal na kaanyuan. But in the end, hindi na natin mapapaikot-ikot pa ang kahulugan nito. Pag guwapo ka, guwapo ka. Pero sa totoo lang, isa itong sumpa. Ang pagiging guwapo ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad. Take it from me, ang hirap.

MY VOTE:


MOST BEAUTIFUL BATCHMATE AWARD
Kahit suplada ka, ayos lang. Kahit hindi ka namamansin, ayos lang. Hindi ko nga magets kung bakit hindi mo ako pinatulan e. Siya yung kinaiinggitan ng mga girls, tas kina-alam niyo ng mga lalaki. Iba ka, wala kang kupas. Pag tinabihan mo yung mga kabarkada mo, nagiging para silang mga ninang sa kasal. You are the reason why guys go to school, bakit nag-ccr sa gitna ng klase. Ikaw ang bigay ng Maykapal.

MY VOTE:


BEST RIVALRY AWARD
Sino nga pala yung nagbatuhan ng egg sandwich sa canteen? Sino nga pala yung nagsapakan sa Karel Hall? Sino nga pala yung nagsampalan at nagsabunutan sa cr? Kung mayroon tayong dapat balikan sa nakaraan, ito yung mga masasaklap na away na naging bahagi na ng makulay na kasaysayan ng Batch 2K. Teka, friends na ba sila ngayon. Bale, dalawang tao ang susulat niyo dito. Silang dalawa na nagkasiraan na siguradong hindi na nila maalala ngayon kung bakit. Interviewhin na lang natin sa reunion.

MY VOTE:


FRIEND OF THE BATCH AWARD
Siya ang laging matatakbukan sa oras ng pangangailangan, assignment sa Math, project sa Physics, pamasahe sa uwian. The best friend talaga ng lahat. Siya yung gusto mong maging kaibigan habambuhay.

MY VOTE:


SECTION OF THE BATCH AWARD
May Diamond Section, may Star Section, may kung anu-anong section. Pero sino ba talaga para sa iyo ang the best section? Teka, fourth year lang a.

MY VOTE:

-----------------------------------------------------------------------------------

Meron pa pong ibang awards na ibibigay sa gabi mismo ng reunion, na hindi na kailangan pagbotohan ngayon, katulad ng Face of the Night, Pinakamaraming Nagpuntang Section Award, etc. Hayaan niyo, sandali lang tong part na ito ng reunion, the rest para sa kwentuhan at inuman na! Kitakits!

1 comments:

Post a Comment

Popular Posts